O kay Buti Mo Kapatid Ko

Sa Panulat Ni
Xedric A. Cordero 


            Sa isang maliit na bayan ng Manining naninirahan ang magkapatid na Rogelio at Nidora kamasama ang kanilang lolo na si Lolo Quando. Bata pa lang sila ay iniwan na sila ng kanilang mga magulang sa kanilang lolo dahil naghiwalay ang mga ito at nag-asawa nan g iba. Kaya naman kahit bata pa ang magkapatid ay napilitan na silang magbanat ng buto. Sa umaga ay pumapasok sa paaralan si Nidora at sa gabi na naman pagkatapos nya ng mga gawaing bahay at kanyang takdang aralin ay naglalako sya ng sampaguita sa Plaza Bituin kasama ang kaibigan nyang si Tala.

Simula ala-sais hanggang alis-dyis ng gabi ay nililibot ng magkaibigan ang buong Plaza Bituin maubos lamang ang paninda nilang sampaguita. Ang kinikita kasi nya sa paglalako ng sampaguita ay ipinandaragdag nya sa pambili ng araw-araw nilang pagkain at pambili na rin ng gamut ni Lolo Quando sa kanyang hika. Si Rogelio naman ay nagtatrabaho sa tindahan ni Aling Maliit sa gulayan nito sa Palengke de La Preza maliit lang ang sahod ni Rogelio sa pagkakargador kaya naman kailangan din ni Nidora kumayod para may maipandaragdag sa sila sa panggastos sa araw-araw.

Lumipas ang ilang taon at nakatapos na rin si Nidora sa Mataas na paaralan ng Maningning.

“Oh! Bunso para naman yatang napakalalim ng iniisip mo?” Wika ni Rogelio.
 “Wala ito kuya” Sagot ni Nidora kay Rogelio.          
“Eh! Kung ang iniisip mo eh yung tungkol sa pag-aaral mo sa kolehiya eh huwag mo na alalahanin yun kasi ipinapangako ko sayo na makakapag-aral ka ngaung darating na semester” Wika ni Rogelio.

Tuwang-tuwa si Nidora sa sinabi ni Rogelio at wala halos itong mapagtaguan ng saya dahil alam nyang matutupad na ang pangarap nyang makapag-aral sa pinapangarap nyang paaralan ang Kolehiyo de Cordero at makakakuha na rin sya ng kursong edukasyon.

Mabilis na lumipas ang dalawang at kinailangan ng lumuwas ni Nidora sa Maynila upang dun makitira sa bahay ng Tiya at Tiyo nyang sina Fedora at Jose.

“Bunso heto nga pala yung pangtuition at panggastos mo dun” Wika ni Rogelio

“Salamat po kuya! So Paano yan kuya paalam na po at baka mahuli pa ako sa biyahe at pakisabi na rin kay Lolo Quando na umalis na ako, paalam na” Wika ni Nidora.

            Maaga pa lang ay dumating na si Nidora sa bahay ng tiyo at tiya nya sa Maynila.

“Nidora ito pala ang magiging kwarto mo at pag may kailangan ka pala eh huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Tiyo Jose mo” wika ni Tiya Fedora kay Nidora.

“Maraming salamat po Tiya Fedora at pumayag kayong patuluyin ako ditto” Sagot ni Nidora.

“Ay sya nga pala pwede bang ikaw na lang ang gumawa ng mga gawaing bahay kasi lagi kaming wala ng tiyo mo ! Alam mo naman na abaala kami sa negosyo naming gulayan sa palengke” wika ni Tiya Fedora.

“Opo tiya ako na po ang bahala sa mga gawaing bahay” Sagot ni Nidora kay Tiya Fedora.

            At si Rogelio naman ay nagdoble kayod na sa umaga ay nagtatrabaho sya bilang isang construction worker at gabi naman ay  kargador sya sa Palengke de La Preza.

Krinnngg!!!! Krinnnggg!!! Krinngg!!! Tunog ng telepono sa bahay nina Tiya Fedora.

“Hello bunso si Kuya Rogelio ito, Kamusta kana dyan nag-aaral k aba ng mabuti?” Tanong ni Rogelio kay Nidora habang kausap ito sa telepono.

“Opo kuya nag-aaral ako ng mabuti para sayo at para kay Lolo Quando, diba  kuya pangako ko sayo na mag-aaral ako ng mabuti para makaahon tayo sa hirap nina Lolo Quando” Sagot ni Nidora sa telepono.

“Ay bunso naipadala ko na pala yung  panggastos at pambayad mo sa tuition fee mo”.Wika ni Rogelio.

“Salamat kuya! Kuya kamusta na nga pala si Lolo”. Wika ni Nidora.

“Bunso madalas pa rin syang inaatake ng kanyang hika kasi halos hindi na tumatalab yung mga gamot na ibinibigay sa kanya sa health center” Sagot ni Rogelio kay  Nidora.

“Kawawa naman si Lolo Quando, pasensya kana kaya kasi naging pabigat pa ako sayo, kaya tuloy hindi na mabilhan ng inhaler si Lolo” Wika ni Nidora.
“Ano kaba bunso huwag mo na masyadong alalahanin si lolo, kasi gagawan ko na lang ng paraan para makabili na sya ng inhaler nya at ang isipin mo eh yung pag-aaral mo dyan sa Kolehiyo de Cordero para naman pagdating ng araw ay may maipagmamalaki akong may kapatid akong guro” Wika ni Rogelio.

“Alam mo kuya ikaw talaga ang pinaka mabait na kuya sa buong mundo kaya naman mahal na mahal kita” Sagot ni Nidora.

“Oh, paano bunso puputulin ko na ang tawag ko sayo at baka malaki-malakiw na rin ang babayaran ko sa telepono ni Aling Rosselle, paalam na at pakabait ka dyan” Wika ni Rogelio.

            Mabilis ang paglipas ng panahon at ngayon  si Nidora ay nasa ika-apat na taon na nya sa Kolehiyo de Cordero sa kursong edukasyon at habang si Rogelio naman ay patuloy na kumakayod upang may maipadala lang sya sa kanyang kapatid dahil gusto talagang nya mapatapos ang kanyang kapatid na si Nidora sa pangarap nitong kurso upang hindi ito mapatulad sa kanya na walang natapos.

            Isang ay niyaya ni Abby na gumimik si Nidora sa Alimbang Bar. “Nidora sama ka sa akin mamaya sa Alimbambang Bar maghahappy-happy tayo kasi minsan lang naman ito at total eh 4th year na naman tayo” Wika ni Abby kay Nidora.

“Sige ba! Eh sino-sino pala ang mga kasama natin?” Tanong ni Nidora kay Abby.

“Sino pa edi sina Archie, Loreine, Biboy at Dulce! Sya nga pala ito ang isuot mo mamaya kasi hindi bagay dun yung mga damit mong pang manang” Wika ni Abby.

            At simula ng gabing yun ay lagi ng gumigimik si Nidora natuto na rin itong magbisyo at halos lahat ng perang ipinapadala ni Rogelio ay nauubos lang nya sa kanyang bisyo.
            At bukod ditto ay napabayaan na rin nya ang kanyang pag-aaral kasi hindi na rin sya pumapasok sa kolehiyo at lagi na lang syang nasa gimikan halos gabing-gabi na rin sya umuwi kaya naman nag-aalala na ang mga tiyo at tiya nya.

“Nidora napapansin yata namin ng Tiya Fedora mo eh lagi ka na ginagabi ng pag-uwi” Wika ni Tiyo Jose kay Nidora.

“ Pasensya na po kase naman po tiyo eh lagi kaming may group study kaya lagi po akong ginagabi ng uwi” Sagot ni Nidora na puno ng kasinungalingan ang sinasabi.

“Ah ganun ba! Eh sa susunod na gagabihin ka ay magtetext ka sa amin para naman hindi kami nag aalala ng tiya mo” Wika ni Tiyo Jose.

            Halos puro kasinungalingan ang sinasabi ni Nidora sa kanyang Tiyo, Tiya at Kuya. At bukod dito ay bagsak na rin lahat ng marka nya ngayong semester ka naman siguradong hindi sya makakapagmartsa ngayong darating na taon.

            Halos buwan-buwan ay patuloy na nagpapadala ang kanyang Kuya Rogelio na ange perang pinapadala naman nito ay patuloy nyang ginagastos sa kanyang mga bisyo at bukod dito ay nagkakaroon pa sya ng utang sa mga kaibigan nya sa sobrang lakas nya mag-inom.

            At sa hindi inaasahan pangyayari ay nagkaroon  ng masamang balita.

“Nidora huwag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo kasi si Lolo Quando mo ay  iniwan na daw kayo dahil sa sakit nitong hika, tumawag kanina ang Kuya Rogelio mong umiiyak ng sabihin nya itong masamang balita.”Wika ni Tiya Fedora

            Halos hindi agad nakapagsalita si Nidora sa kanyang mga narinig.

“Sabi nga pala ng Kuya Rogelio mo eh umuwi ka daw sa Maningning para naman masilayan mo ang lolo mo sa huling pagkakataon” Dagdag pa ni Tiya Fedora.

“Tiyo, tiya hindi po ako makakauwi sa Maningning kase alam nyo naman po na 4th year na ako at bawal ako lumiban sa klase at bukod po dito eh hindi ko po kayang makita si Lolo Quando sa ganung kalagayan” Wika ni Nidora

“Ay kung iyan ang pasya mo eh igagalang namin yan” Wika ni Tiya Fedora.

            Pero hindi maikubli ni Nidora ang kanyang pagdadalumhati kasi nais rin nya talagang makauwi sa Maningning, natatakot lang kase sya na itanung sa kanya ng Kuya Rogelio nya ang kelan ang araw ng kanyang pagtatapos at bukod ditto ay hinihintay nya ang hinihingi nyang tatlong lib okay Rogelio na sabi nya ay ipambabayad nya sa tuition pero ang totoo ay ipambabayad nya it okay Abby dahil sinisingil na ito sa mga utang nito na nagastos sa kanyang mga bisyo.

           
Mabilis ang pagdaan ng panahon sa buhay ni Nidora at patuloy pa rin sya sa kanyang bisyo na pag-iinom at pagsisinungaling bukod ditto ay nayayamot na rin sya kay Rogelio dahil matagal ng hindi ito nakakapagpadala ng pera kaya naman naisipan nitong tawagan si Rogelio.

“Hello! Kuya” Wika ni Nidora

“Hello! Bunso ikaw ba yan, Kamusta kana?” Sagot ni Rogelio

“Kuya oo ako nga ito ang bunso mong kapatid, kuya pasensya kana nga pala kasi hindi ako nakauwi dyan alam mo naman kase na kailangan kong mag-aral ng mabuti ditto para makaahon tayo sa hirap” Wika ni Nidora na puno ng mga kasinungalingan.

“Bunso naiintindihan kita alam ko naman na busy ka sa pag-aaral mo dyan kase diba graduating kana at tungkol nga pala dun sa perang hinihingi mo sa akin ay bunso pwede bang sa susunod ko na na lang ipapadala kase alam mo naman na malaki ang pinagkagastusan ko dito kay lolo at halos lumubog na ako sa utang” Sagot ni Rogelio

            Biglang pinagbabaan ni Nidora ng telepono si Rogelio nung marinig na hindi muna nito maipapadala ang perang hinihingi nito kase nayayamot na dahil matagal na syang sinisingil ni Abby sa mga utang nito.

            Ilang araw at linggo ang lumipas at hindi pa rin nagpapadala ng pera si Rogelio at bukod dito ay kahit tawag o telegrama ay wala itong natatanggap mula sa kanyang kuya kaya naman lalo itong na inis dito, hanggang isang araw ay may isang kapitbahay nila mula sa Maningning ang biglang dumating sa tahanan ng tiyo at tiya nya sa Maynila may dala daw kasi itong mahalagang balita tungkol sa kanyang kuya.

“Tao po! Tao po! Tao po!” Tawag ni Mang Berting sa may tarangkahan nina Tiya Fedora.

            Mayamaya pa ay biglang binuksan ni Tiya Fedora ng pintuan at nakita nya si Mang Berting sa may tarangkahan kaya naman agad nya itong pinatuloy.

“Mang Berting naparito ka, ano ba ang sadya natin?” Tanong ni Tiya Fedora.

            Hindi agad ito nakasagot kay Fedora si Mang Berting dahil hindi nya alam kung paano nya sasabihin ang dala-dala nyang balita at mayamaya pa ay humahangos nitong itinanong kay Tiya Fedora kung andun ba sa bahay si Nidora kase may kailangan daw itong sabihin dito at sumagot naman ito na naroon si Nidora sa bahay kaya naman tinawag nya ito.
“Nidora andito si Mang Berting hinahanap ka at may gusto daw itong sabihin sayo” Wika ni Tiya Fedora

At lumabas si Nidora mula sa kanyang kwarto at tinanong si Mang Berting kung ano ang sasabihin nito.

“Nidora kailangan mo muna sigurong umuwi sa Maningning ngayon” Wika ni Mang Berting

“Bakit po ano po ba ang nangyari?” Tanong ni Nidora

“Kase si Rogelio…. Si Kuya Rogelio mo eh iniwan ka na rin nya, kaninang umaga kasi natagpuan namin syang wala ng buhay sa papag nyo sa salas.”

Para bang pinagsakluban ng langit at lupa si Nidora sa kanyang mga narinig mula kay Mang Berting at biglang bumuhos ang kanyang mga luha at hindi nito alam kung ano ang kanyang sasabihin at ganun din naman ang naging reaksyon nina Tiya Fedora at Tiyo Jose.

“Ano po… si Kuya Rogelio…ang Kuya Rogelio ko?” Wika ni Nidora habang ito’y habag na habag na nagsasalita.

“Oo Nidora si Kuya Rogelio mo pumanaw na kaya kailangan mo na umuwi ngayon sya nga pala pinagtulungtulungan na naming magkakapitbahay ang serbisyo ng kuya mo nakakaawa naman kasi siya kung pababayaan na lang naman ng ganun” Sagot ni Mang Berting habang ito’y lumuluha.

            Napuno ng kalungkutan at dalumhati ang bahay nina Tiya Fedora at Tiyo Jose noong araw na iyon at dali-dali namang nag-impake sina Nidora, Tiya Fedora at Tiyo Jose ng kanilang mga dadalhin pauwi ng Maningning.

            Halos gabi na rin ng makarating sila sa kanilang tahanan sa Maningning at pagbaba ni Nidora sa tricycle ay nabitawan nito ang kanyang mga dala at biglang napatulala dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa sinapit ng kanyang kuya.
           
            Mayamaya pa ay bigla syang nilapitan ni Aling Rosselle at niyaya ito papasok sa loob ng bahay upang makita nito ang labi ng kanyang Kuya at paglapit nito sa kanyang kuya ay biglang nalang bumuhos ang malakas na luha mula sa mga mata ni Nidora at bigla itong humagulhol at sinabing.

“Kuya…Kuya… Kuya Rogelio! Patawarin mo ako dahil nagsinungaling ako sayo dahil nagloko ako sa aking pag-aaral kaya hindi ako makakapagmartsa ngayong darating na taon at patawarin mo ako dahil hindi ko agad sinabi ang totoo na napabayaan ko ang aking pag-aaral at napabarkada rin ako at natutong magbisyo”
Halos paulit-ulit itong binibigkas ni Nidora sa nakahimlay nyang kuya at mayamaya pa ay bigla itong nilapitan ni Tiya Nidora upang damayan at bigla na lang napayakap si Nidora sa kanyang tiya at sinabing “Tiya Fedora patawarin nyo rin po ako dahil hindi ko po ipinagtapat sa inyo ang mga kalokohang ginawa ko” wika ni Nidora habang patuloy na humahagulhol at nakayap kay Tiya Fedora.

“Nidora bunso!!! Tama na… tumahanan ka na dyan dahil pinapatawad na kita at alam ko na alam mo rin na napatawad kana ni Rogelio dahil lubos ang pagmamahal sayo ng kapatid mo at huwag mo rin kakalimutan na kahit iniwan kana ni Rogelio ay andyan pa rin sya upang lagi kang gabayan” Wika ni Tiya Fedora habang lumuluha…

Pagkaraan ng ilang minuto ay nahimasmasan na si Nidora mula sa pagdadalumhati nito sa kanyang Kuya Rogelio kaya naman nilapit ito nina Mang Berting at Aling Rosselle upang magkwento tungkol sa naging buhay ni Rogelio nung mga panahong wala si Nidora.

“Alam mo ba Nidora na si Rogelio ay ikaw ang lagi niyang inaalala dahil kadalasan tuwing nasa trabaho kami at oras na ng pagkain ay hindi  na sya kumakain at ang lagi nyang sinasabi kapag tinatanung namin kung hindi ba sya muna kakain ay kailangan daw nyang magtipid dahil may pinapag-aral syang kapatid sa kolehiyo dahil nangako daw sayo na pipilitin ka nyang mapatapos at buko dito ay kailangan din daw nya na bumili ng gamot sa hika ng iyong Lolo Quando, kaya hanga talaga kami sa kuya” Wika ni Mang Berting.

“Eh kasi naman Nidora kadalasan ang Kuya Rogelio mo ay pumapasok pa rin sa trabaho kahit masama na ang kanyang pakiramdam at ang sabi ko nga kung minsan eh magpagamot naman muna sya kasi lagi nyang idinadaing ang kanyang matagal ng ubo at ang sabi ko pa nga ay baka mauwi pa yun sa T.B kaya dapat agapat na niya at ang lagi naman nyang sagot ay hindi daw sya pwedeng lumiban sa trabaho dahil kailangan daw nya magpadala ng pera sayo” Wika ni Aling Rosselle

“Ay alam mo ba ineng eh wala talaga kaming masasabi sa kabaitan ng kuya mo” Dagdag pa ng ibang mga kapitbahay.

            At unti-unting tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Nidora dahil sa mga narinig nito mula sa kanilang mga kapitbahay.
Pagkakaraan ng Isang lingo ay inihatid na nila sa huling hatungin si Rogelio at ito ay isang napakalungkot na pamamaalam para kay Nidora… At pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay nagpaiwan na muna si Nidora sa kanyang mga tiyo at tiya sa kanilang tahanan sa Maningning dahil aayusin daw muna nito ang mga naiwang gamit ni Rogelio bago ito lumuwas pabalik ng Maynila.

            Habang nag-aayos si Nidora ng mga gamit na naiwan ni Rogelio sa tukador ay may nakita itong isang sobre na may lamang tatlong libong piso at isang liham na nakaadres sa bahay ng tiyahin nya sa Maynila at ito’y para sa kanyang at ang nakasaad dito ay….

            “Bunso kamusta ka dyan at kamusta na rin ang pag-aaral mo? Alam mo na ngayon pa lang eh ipinagmamalaki ko na sa mga kapitbahay natin na sa darating na Marso eh magmamartsa kana kaya naman labis ang aking galak at bukod dito bunso pasensya ka na rin pala kase ngayon ko lang naipadala ang hinihingi mong tatlong libo na pambayad mo sa tuition fee mo alam ko naman na matagal mo ng kailangan ito pero sorry talaga dahil medyo tagalan ang pagpapadala ko ng pera kasi nagpaupa pa akong mag-alaga ng baboy ni Aling Rosselle para magkaroon ng dagdag na kita.
            Pero bunso kaunting tiis na lamang at nalalapit na ang iyong pagtatapos at giginhawa na rin ang iyong buhay.
            Hanggang dito na lamang bunso at ingat ka palagi dyan at huwag na huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo…



Nagmamahal,
Kuya Rogelio”


Bigla na lang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Nidora habang binabasa ang liham ni Rogelio para sa kanya dahil alam nya na hindi nya natupad ang kanyang ipinangako kay Rogelio na mag-aaral syang mabuti upang guminhawa ang kanilang buhay.
At kinabukasan pagkatapos nyang ayusin ang mga gamit na naiwan ni Rogelio ay lumuwas na sya sa Maynila upang ipagpatuloy kanyang pag-aaral at ng matupad ang naudyok na pangarap ng kanyang Kuya Rogelio…



At Pagkalipas nga ng ilang buwan ay nakatapos na rin ng pag-aaral si Nidora sa kursong Bachelor of Science in Secondary Educaction kaya naman labis ang kanyang tuwa at saya…
“Kuya Rogelio saw akas natupad ko na ang pangarap natin” Bulong ni Nidora sa sarili habang nakatingin sa mga ulap na pakiramdam ba nya ay naririnig sya ni Rogelio

Sa ngayon ay isang ng magiting na propesor si Nidora sa Kolehiyo de Cordero at nagawaran din syang bilang isa sa mga Most Outstanding Teachers dahil sa husay nito sa larangan ng pagtuturo…




----------------------------------WAKAS----------------------------------

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito